calendar of events

Valentines Day
Welcome, Guest. Please login or register.
February 09, 2010, 07:35:10 PM

Login with username, password and session length

sponsored links

Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: ..."Priceless Parents"...  (Read 165 times)
jairon
accolade
Researcher
*
Offline Offline

Posts: 20


« on: November 24, 2009, 04:38:57 PM »

Para sa lahat ng Magulang at Anak na nawalay sa Magulang
By: Ernie Erisghel Tanafranca Trespalacioreal

   Huwebes ng hapon noon, galing ako sa isang birthday party… pagkatapos tumunga ng dalawang bote ng beer ay nagpaalam na ako…. mukha kasing uulan, ayokong maabutan ng ulan sa daan. Anak ng pitong kamalasan, tumirik ang kotse ko sa daan…  no choice kailangan kong bumaba para ayusin ang makina. Sobrang malas talaga at naiwan ko ang gamit ko, nag uumpisa ng pumatak ang ulan… kung bakit kasi hindi agad sinauli ng kumpare ko na nanghiram ang mga gamit ko sa pag-aayos ng kotse. May natanaw akong isang bahay, nagbakasakali akong tumawag… lumabas ang isang matandang lalaki, siguro mga 70 yrs old na…

   “Magandang hapon po ‘tay, nasiraan po kasi ako eh, di ko po nadala ang gamit ko baka po may lyabe kayo at pliers jan?” Ngumiti sya sa akin, maya maya at bumalik at may bitbit na bag at dalawang payong, iniabot sa akin. Sumama pa sya sa akin sa aking kotse… malaki ang deperensya, mukhang tinamaan nga ako ng napakalaking malas. Inaya ako ng matandang magkape muna sa kanila, medyo malamig nga at basa na rin ako ng ulan kaya sumama ako. Pagpasok namin ng bahay ay nakita ko na hindi maayos iyon… sabi nya pasensya na daw ako kasi nag-iisa sya. Roman daw ang pangalan nya, dating dyipney driver. Umupo ako sa sala, maalikabok yun… pumunta sa kusina ang matanda siguro magtitimpla ng kape, ayoko na sana kasi iika-ika na sya, hindi na masyadong makalakad pero mapilit si Mang Roman. Nakita ko sa dingding ang mga nakakwadrong larawan… siguro family picture nila yun, sa ibaba ay picture ng lalaking nakatoga katabi nito ang isang kwadro rin ng babaeng nakatoga din… siguro mga anak nya. Malinis ang mga kwadro, halatang kapupunas pa lang at parang ayaw maalikabukan man lang.
   
   
Tama ako, sabi ni Mang Roman, anak nga daw nya yun. Inilapag nya ang kape, mejo hindi malinis yung mug pero nakakahiya naman kung tatangihan ko at isa pa nilalamig na rin ako at malakas ang ulan, gusto ko ring mainitan ang sikmura.
   
   “Kung gusto mo anak… ano nga ba uli pangalan mo? “ tanong nya sa akin, “Jun po”, sagot ko naman. “kung gusto mo Jun eh sayo na lang yang mga gamit ko, wala na rin namang gagamit nyan dito… gamit ko dati yan ng driver pa ako ng dyip pero mahina na ako ngayon Jun, di ko na kaya na magdrive pa uli.”
   
   “Naku wag na po, meron po ako nasa hiraman nga lang kaya di ko nadala, asan po mga anak nyo?” tanong ko…
   “Si Danny, engineer ko yan… may pagmamalaking itinuro ang litrato sa ding-ding… nasa Saudi na ngayon, yan naman babae sa litrato si Juvie yan… nakapag-asawa ng taga-Davao at doon na nanirahan… yun naman asawa ko limang taon na akong iniwan, nag-iisa na lang ako dito eh… kahit nga mahirap kinakaya ko. Itong bahay na ito kasi ang kaisa-isang ala-ala ko ng aking pamilya, dito ko binuhay ang asawa ko at ang dalawa kong anak. Pinagbili ko na rin yung jeep ko, okay na naman napatapos ko na ang dalawa kong anak at may maganda na silang trabaho, may sarili na rin silang pamilya at bahay, maayos na ang buhay nila”.
   
   “Hindi po ba sila dumadalaw dito, I mean po… sino pong tumitingin sa iyo dito, mahirap po ang mag-isa lalo na at may edad na kayo?”
   
   “Isang taon na siguro na walang dumadalaw sa akin dito, minsan tumatawag naman sila sa telepono… kahit nga di ko masyado ginagamit yang telepono eh ayaw ko ipaputol ang linya, araw-araw naghihintay ako sa tawag nila… yung kahit boses lang nila masaya na ako, basta maramdaman ko lang na naaalala nila ako. Mababait naman ang mga anak ko, buwan-buwan may natatangap akong pera sa bangko, pero di ko naman ginagalaw… pag namatay ako kasama yun sa ipapamana ko sa mga apo ko. Yung kapitbahay jan sa kabila, tuwing umaga binibisita nila ako at dinadalhan ng pagkain, nagbibigay na lang ako sa kanila ng konting pera pamalengke”.

   “Hindi po ba kayo nahihirapan?”

   “Mahirap iho, lalo na pagnakakaramdam ako ng pananakit ng katawan… pero siguro ito ang buhay ko, pag may nasakit sa akin iniisip ko na lang na bunga ito ng walang tigil kong pagtratrabaho noon upang mapatapos ko ang mga anak ko tapos mawawala na ang sakit. Yung ala-ala ng masayang buhay namin noon ang gumagamot sa akin, sana nga lang minsan maalala naman nila akong dalawin dito, gustong-gusto ko na rin silang makita lalo na ang mga apo ko. Masarap siguro yung mga araw na kasama ko sila dito, alam mo ba si Pareng Kanor jan sa kabila, hindi nya napag-aral ang mga anak nya kaya hanggang ngayon sa kanya pa rin nakatira… kaya lagi nyang kasama yung mga anak nya at mga apo…. Mahirap yung buhay nila, minsan walang trabaho ang mga anak nya… yun ang ayaw kong mangyari sa mga anak ko, gusto ko maayos ang buhay nila… pero alam mo, masaya si Pareng Kanor, lagi ko syang naririnig na tumatawa kalaro ang mga apo nya… minsan naiingit ako, iniisip ko na lang na mas masaya ang mga apo ko sa buhay nila ngayon”.

   “Paano po pag may sakit kayo, sino po ang tumitingin sa inyo?”

   “KapitbahayJjun, sa kanila na rin ako nagpapabili ng gamot… sa panahon na may sakit ako doon ako nakakaisip ng matinding depresyon at pangungulila, sa totoo lang ay nagtatampo ako sa mga anak ko, pagkatapos ko silang mahalin at bigyan ng magandang buhay ay hindi na nila ako naalala na dalawin dito… kahit dalaw lang o tawag sa telepono, yung marinig ko lang na….  o tatay buhay ka pa ba? masaya na ako nun… pero iniisip ko rin na responsibilidad ko na bigyan sila ng magandang buhay at papagtapusin ng pag-aaral at responsibilidad ko rin na maging mabuting ama sa kanila… alam ko hindi na magtatagal at magkakasama na rin kami ng asawa ko, hiling ko lang na sana bago mangyari yun ay makasama ko ang mga anak at apo ko.”

   “Ayaw nyo po bang tumira sa kanila?”

   “Magiging pabigat lang ako sa kanila, ayaw kong bigyan ng isipin ang mga anak ko, dito na lang ako sa lumang bahay namin, bibilangin ang mga patak ng ulan, siguro pagkatapos ng isang libong tag-ulan maalala na rin nila akong dalawin dito. Alam mo bang birthday ko ngayon Jun? Kaya matyaga akong naghihintay ng tawag nila. Kung hindi naman sila makatawag iisipin ko na lang na siguro ay busy sila sa kanilang buhay… mahirap kumita ngayon at kailangan nilang magtrabaho ng hindi naabala”.

   Napalunok ako sa aking mga narinig, naawa ako sa kanya…

   “Ikaw Jun, may magulang ka pa ba?

   “ Nanay ko na lang po, nasa Bukidnon kasama ng isa niyang kapatid.”

   “Kailan mo sya huling dinalaw?” tanong nya… hindi ako nakapagsalita, huli akong pumunta sa Bukidnon noong Pasko… malapit na naman ang Pasko hindi pa uli ako nakakapunta doon.

   “Sana madalaw mo uli ang iyong magulang Jun, sigurado ako… gustong-gusto ka na nyang makita katulad ng kagustuhan kong makita ang mga anak at apo ko… subukan mo, alam ko magiging maligaya sya.”

   Tumila na ang ulan, nagpaalam na ako, nagpasalamat… nagpasalamat din sya sa akin, nakita ko sa mga mata nya na talagang sabik sya sa kausap, sabi nya ay magkwentuhan pa kami habang hinihintay ang tawag ng mga anak nya pero dumating na yung hihila sa kotse ko papunta sa talyer. Nangako na lang ako na dadalawin ko sya pag may libreng oras ako.

   Dalawang lingo ang dumaan at naisipan ko uling dalawin si Mang Roman pero sarado na ang bahay… nagtanong ako sa kapitbahay nila at nalaman ko na namatay na si Mang Roman tatlong araw ang nakakalipas, pagkatapos paglamayan ng dalawang araw ay dinala na ng mga anak nya si Mang Roman at pina-cremate. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Mang Kanor, iniabot nya sa akin ang isang bag, yun ang bag na pinahiram sa akin ni Mang Roman…

   “Bilin ni Roman ay ibigay ko raw syo kung sakaling babalik ka, kakailangan mo daw ito sa pagbalik mo sa Bukidnon, baka ka daw masiraan sa daan.”

   Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko, ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni Mang Roman sa kanyang mga anak at apo. Nagdesisyon ako, magfifile ako ng leave… uuwi ako sa Bukidnon para dalawin ang nanay ko, tama si Mang Roman tiyak matutuwa yun pag nakita ako.
   

Anak... kung nasaan ka man sana maalala mo ako.  Sana dalawin mo ako kahit minsan lang.  Sabik na akong makasama at makausap kang muli.  Kung may pagkukulang man ako.. patawad anak.  Gusto kong malaman mo... Mamal kita higit sa pagkakaalam mo.
Logged
sol
panjandrum
copy writer
*****
Offline Offline

Posts: 114



« Reply #1 on: November 24, 2009, 04:59:58 PM »

jairon, i cried after reading this.. mababaw kasi luha ko eh.. pero tama yang nasa kwento, minsan bising-bisi na tayo sa paghahanap ng pera at nakakalimutan na natin ang isang napakaimportanteng bagay, ang pisikal na pagpaparamdam sating mga magulang na mahal natin sila.. minsan nga, mas malambing pa ang boses natin sating mga kaibigan kesa ating mga magulang.. dahil alam nating kahit anong gawin natin,anjan lang sila para satin at magigising lang tau pag sila'y wala na...

para sa mga may magulang pa, d pa huli ang lahat...
Logged

sunweb.com.hk
jairon
accolade
Researcher
*
Offline Offline

Posts: 20


« Reply #2 on: November 24, 2009, 06:35:38 PM »

hi sol, tama ka hindi pa huli ang lahat........ wag natin baliwalain ang ating mga magulang ipadama natin ang ating pagmamahal sa kanila dahil minsan ay nakakalimutan natin sila sa dami ng ating ginagawa.
Logged
a_ron
accolade
copy writer
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 365



« Reply #3 on: November 25, 2009, 12:31:49 AM »

Pagkatapos kung basahin ang kuwento ay napaluha ako sa lungkot. Naawa ako sa matanda. Sinakripisyo niya ang sarili niya mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang dalawang anak. Obligasyon bilang magulang ang palakihing malusog, masaya, at maginhawa ang mga anak. Pero minsan ang mga anak ay nalilimutan ang obligasyon nila sa magulang. Hindi lahat ng mga anak ay ganoon. Depende sa pag papalaki rin. May dalawa akong anak na lalaki at sa awa ng Diyos ay araw araw silang tumatawag at madalas ang bisita sa akin. Ang payo ko bilang magulang sa mga kabataan ay sana huwag kayong makalimot sa mga magulang n'yo. Hindi sapat ang pera o regalo para ipadama ang pagmamahal ninyo sa kanila. Ang kailangan ng magulang ang yakap at halik ng anak na hindi matutumbasan ng ano mang mamahaling regalo sa mundo. Sana maging aral ang kuwento ni Jairon sa mga kabataan na may mga magulang pa. Hindi pa huli ang lahat.
Logged

" Go confidently in the direction of your dream ".

- Henry David Thoreau -
susan
accolade
Researcher
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 31



« Reply #4 on: December 08, 2009, 09:49:31 PM »

ang husay ng kwento mo jairon. buhay na buhay at makatutuhanan... owwww touch ako san imo istorya... di gad ngatanan nga anak leteral nga nakakalimot, may mga factors la kay nano kay di mabisita, di mahang-aw an kag-anak pero hinumdumi la nato ini nga darawhanon.   "you will not value a thing unless it get lost".  salit paghanap kit paagi nga habang buhi pa an ato nanay, tatay, kabugtuan.... mabisita nato, bisan wara pasalubong an importante an magkitakita.
Logged
april
newbie
Researcher
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 31



« Reply #5 on: December 21, 2009, 02:04:29 AM »

:( kakaiyak nmn un.. how sad nmn..
pero bilib aq ky mang roman..
sa mga sakripisyo niya para sa mga
anak niya..
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

TinyPortal v1.0 beta 4 © Bloc